Wednesday, November 7, 2012

ANAKPAWIS PARTY LIST Quezon City General Assembly October 2012-PAHAYAG NG PAKIKIISA AT PAGSUPORTA SA ANAKPAWIS PARTY LIST


ANAKPAWIS PARTY LIST
Quezon City General Assembly
October 27, 2012




PAHAYAG NG PAKIKIISA
AT PAGSUPORTA
SA
ANAKPAWIS
PARTY LIST
LEON Estrella PERALTA 
Nagpapahayag ng Pakikiisa at Suporta sa
ANAKPAWIS PARTY LIST QC General Assembly 

Sa Aking Mga Kapatid Sa Pakikibaka:

MAGANDANG ARAW po sa inyong lahat!  Maraming salamat po sa inyong paanyaya lalung-lalu na sa pamumunuan ng ANAKPAWIS PARTY LIST sa pamamagitan po ni Kongresman Ka Paeng Mariano, Kongresman Ka Joel Maglungsod (na ngayon ay Pangalawang Nominado ng ANAKPAWIS Partylist sa darating na eleksyon 2013), Ka Pando Hicap (Unang Nominado ng ANAKPAWIS PARTYLIST sa darating na elesyon 2013), Ka Bea Arellano-National Secretary General ng KADAMAY, Ka Elmer Labog-KMU Chair/President at iba’t-iba pang lider ng ANAKPAWIS PARTY LIST upang ang inyong kapatid na si KA LEON ay makadalo  sa inyong napakahalagang pagtitipon na ito, ang ANAKPAWIS PARTY LIST Quezon City General Assembly.

Hayaan nyo pong hiramin ko ang pananalita ni Ka Paeng Kanina, na ang sabi niya, “Sa ating bansa ay may tatlo lang  na panahon. Panahon ng tag-ulan, tag-init at eleksyon.” Sa aking narinig na ito tungkol sa eleksyon, bumalik sa aking alaala ang pagtakbo ko bilang Kongresman sa Distrito 2 ng Lungsod Quezon noong nakaraang 2010 Eleksyon.  Ako po ay nakatanggap ng liham na pinadala sa koreo, hindi po ito liham ng pagbati o suporta, kundi liham ng pagbabanta.  Nakasaad po sa liham na ito na huwag kong ekampanya ang ANAKPAWIS PARTY LIST at iba pang Partylists na kasama natin sa Koalisyong MAKABAYAN o humingi ng tulong o suporta sa kanila kung mahal ko daw ang buhay ko at buhay ng aking pamilya. Pagkabasang-Pagkabasa ko ng liham na ito, ako po ay hindi nakaramdam ng anumang takot bagkus, lalong umigting sa aking kaisipan at damdamin ang aking adhikain upang isulong ang KARAPATAN ng Ordinaryong Pilipino.

AKO PO ngayon ang Chairman ng ANTI-TRAPO MOVEMENT of the Philippines. Ito po ay kilusan ng mga simpleng tao laban sa KURAPSYON AT PAGLABAG SA KARAPATAN NG ORDINARYONG PILIPINO NA MABUHAY NG MATIWASAY AT WALANG PANGAMBA, MALAYA, MAY DIGNIDAD, MASAGANA AT MAY BOSES PAMPULITIKA.

Sa darating na halalan 2013, asahan po ninyo ang aking muling masidhing suporta upang makamit ng ANAKPAWIS PARTY LIST ang tagumpay, dahil ang ANAKPAWIS PARTY LIST ang isa sa iilan na tunay na nagsusulong at nagtataguyod ng KARAPATAN NG ORDINARYONG PILIPINO, TULAD NYO, AT TULAD KO.

MABUHAY ANG
ANAKPAWIS PARTY LIST!

MABUHAY ANG
MAKABAYAN PARTY COALITION !

___________________________
LEON Estrella PERALTA
Founding Chairman, ANTI-TRAPO Movement of the Phils
MAKABAYAN Quezon City, Vice-Chairman External Affairs

Political and Human Rights Advocate
“Isang Ordinaryong Tao Para sa KARAPATAN Ng Ordinaryong Pilipino” __________________________________________


Tunghayan ang mga sumusunod na larawan: 



Ka Roy Velez

Congressman Rafael "Ka Paeng" Mariano-Kinatawan ng
ANAKPAWIS PARTY LIST

L-R  Ka LEON Estrella PERALTA, Ka Pando Hicap, Ka Bea Areallano
Ka Roy Velez

Ka Gary

The ANAKPAWIS QC Delegates

c
R-L  Bong Labog, Cong. Joel Maglungsod, Roy Velez,
. Bea Arellano, Pando Hicap