Wednesday, December 14, 2011

GINUNITA ANG IKA-148 KAARAWAN NI GAT ANDRES BONIFACIO



TALUMPATI Ni Ka Leon Estrella Peralta
sa isang pagtitipon noong Ika-148 kaarawan ni GAT ANDRES BONIFACIO

Ginunita noong 30 Nobyembre 2011



Sa Mga Kapatid Ko Sa Pakikibaka:


Magandang araw po sa inyong lahat.  Ngayon po ay kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, isa sa ating Pambansang Bayani na sumisimbolo sa una at tunay na himagsikan dito sa ating bansa laban sa pananakop ng bansang Espana.  Ngayong araw po ring ito ay araw nating lahat na nakikibaka at handang magbuwis ng buhay upang makamit ang tunay na demokrasya dito sa ating bayan.  Sa isang tunay na demokrasya ang “Panlipunang Hustisya” ay isang pader na hindi binubuwag dadatpawat lalong pinalalakas upang lalong tumibay para masandalan ng Masang Pilipino.

          Ang walang humpay na mga demolisyon na nangyayari dito sa ating bansa, lalo na rito sa kamaynilaan ay isang tunay na pagbuwag ng pader na tinatawag nating “PANLIPUNANG HUSTISYA.”  Ang sobrang taas ng presyo ng ELEKTRISIDAD AT PRESYO NG PETROLYO na pumipilay sa ating mga mamamayan ay mga tunay na halimbawa ng pagbuwag ng “Pader ng Panlipunang Hustisya.”  Ang mababang pasahod sa ating mangagawang Pilipino na sinasabayan ng pagtaas ng presyo ng mga, pangunahing bilihin, produktong petrolyo at elektrisidad ay patutoo sa sinasabi ko pong pagwasak ng “Pader ng Panlipunang Hustisya.”

          Sa araw pong ito, iisa lang po ang ating mithiin, ang mapatibay ang “Pader ng Panlipunang Hustisya” upang masandalan nating lahat lalong-lalo na ng “MASANG PILIPINO.”

        MABUHAY PO TAYONG LAHAT! Ipagpatuloy po natin ang ating pakikibaka hangang makamit natin ang tunay na demokrasya dito sa ating bayan!


By:   KA LEON ESTRELLA PERALTA
        Founding Chairman
         Social Reformist / Political and Human Rights Advocate




Ang mga sumusunod ay ang mga 
pangunahing larawan ng mga naganap sa
 isang pagtitipon noong Ika-148 kaarawan ni 
GAT ANDRESS BONIFACIO


Mga militanteng organisasyong manggagawa at iba pang progresibong grupo- Kilusang Mayo Uno (KMU), Partidong Anakpawis, GABRIELA, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) 


(L-R)
Leon Estrella Peralta (Founding Chairman, Anti-Trapo Movement of the Phils.),
Elmer Labog (Chairman, KMU), Rep. Joel Maglungsod (Anakpawis Partylist)
at Bea Arellano (National Secretary General, KADAMAY)



Leon Estrella Peralta at 
Rep. Liza Maza (MAKABAYAN, Coalition Spokesperson)




Ka Leon Peralta, Ka Bea Arellano
at grupong KADAMAY 




Rep. Ka Paeng Mariano (Anakpawis Partylist)



Grupo ng mga manggagawa (KMU) sa Mendiola

No comments:

Post a Comment