Wednesday, May 9, 2012

Hacienda Luisita PAGSASALU-SALO NG PAGKAKAISA, May 9, 2012 Brgy. Balete, Hacienda Luisita, Tarlac City


HACIENDA LUISITA
Pagsasalu-salo ng Pagkakaisa
May 09, 2012          9:00AM - 8:00PM
  Brgy. Balete, Hacienda Luisita, Tarlac City



PAHAYAG NG PAKIKIISA

Ka Leon Estrella Peralta, Founding Chairman, ANTI-TRAPO MOVEMENT of the Philippines
habang Nagpapahayag ng Pakikiisa sa okasyon ng HACIENDA LUISITA 
PAGSASALU-SALO 
NG PAKIKIISA May 9, 2012, Barangay Balete, Hacienda Luisita, Tarlac City



Magandang araw po sa inyong lahat!!!

Marami pong salamat sa inyong paanyaya upang ang inyong lingkod ay makadalo sa inyong mahalagang pagtitipon na ito.
Sa liderato at bumubuo ng AMBALA, ULWU, UMA, AMGL AT UPPA at sa aming mga kapatid sa pakikibaka, kami po sa ANTI-TRAPO MOVEMENT OF THE PHILIPPINES ay nagpapahayag ng isang taos-puso at masidhing pakikiisa sa pakikipaglaban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita upang tuluyang mapasainyo ang mga lupang dapat ay matagal ng sa inyo, ang mga lupang inyong sinasaka ng Hacienda Luisita.

Tutuo po na matuturing nating lahat na isang malaking tagumpay ang sama-samang pagkilos at paggigiit sa karapatan sa lupa ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita ang naging desisyon ng Korte Suprema.  ANG INYONG TAGUMPAY AY TAGUMPAY NG LAHAT NG MAGSASAKANG PILIPINO! AT TAGUMPAY DIN NG ORDINARYONG PILIPINO!

Ngunit, hindi po lubos ang ating tagumpay kung ang labingdalawang (12) magsasaka at ang dalawang (2) inosenteng bata ng Hacienda Luisita na nagbuwis ng kanilang buhay noong Nobyembre 16 sa taong 2004 ay hindi pa rin nakakamit hanggang ngayon ang tunay at tamang hustisya.  Totoo po ang mga lupang inyong matagal ng sinasaka sa loob ng asyenda ay napakahalaga sa inyong lahat, ngunit, totoo rin po na ang mga buhay ng mga nabanggit kong nasawi ay napakahalaga rin dahil ang kanilang mga nakitil na buhay ay walang katumbas na salapi o anumang bagay.  Alam at ramdam po nating lahat ngayon na hindi po lubos ang ating tagumpay kung ang mga tunay na taong nasa likod ng “Hacienda Luisita Masaker” ay hindi pa nananagot sa batas.  PANAGUTIN PO NATIN SILA UPANG LUBOS ANG ATING TAGUMPAY!

Kami po sa ANTI-TRAPO MOVEMENT OF THE PHILIPPINES, na isang samahan “LABAN SA KURAPSYON AT PAGLABAG SA ‘KARAPATAN’ NG ORDINARYONG PILIPINO” ay lubos na nasa inyo upang makamit po natin ang “TUNAY NA TAGUMPAY.”

MULI, TAOS-PUSO AT MASIDHING PAGBATI SA INYONG NAKAMIT NA TAGUMPAY!!!



LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman
Political and Human Rights Advocate




See related photos below:


Ka Leon Estrella Peralta

Ka Leon with Ka Nacpil, Jr.

Rep. Mariano - Anakpawis Partylist







Ka Leon with Ka Pia-HL Peasant Support










Sister Pat








No comments:

Post a Comment