Tuesday, July 24, 2012

"KULTURA NG NEGATIBISMO" Komentaryo - "SONA Ng Bayan" 2012


SONA
NG
BAYAN
2012





“Kultura Ng Negatibismo”

    KOMENTARYO

Sa “TUWID NA DAAN”
Ordinaryong Pilipino, napag-iiwanan……



Ka Leon Estrella Peralta was trying to prevent violence from
ensuing in the recently concluded SONA ng Bayan 2012

Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG

ANG pagkakabangit ni P-NOY sa kanyang SONA sa pagbubukas ng Ika-Labing Limang Kongreso tungkol sa   “Kultura Ng Negatibismo” na namamayani raw sa loobin ng ibang taumbayan tungkol sa kanyang pamamalakad at ayon sa kanya ay dapat raw iwaksi at makiayon sa kanyang liderato ay nakatawag ng aking pansin.

Hindi siguro makakaila kay P-Noy ang napakaraming "ORINARYONG PILIPINO" na lumabas sa kani-kanilang tahanan at lumahok sa “SONA NG BAYAN” na ginanap naman sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Ciudad Quezon noong araw mismo ng kanyang SONA sa Kongreso.  Ang nasabing “SONA Ng Bayan” ay isang pagpapatunay na maraming “Ordinaryong Juan dela Cruz” ay hindi na kumbinsido sa “Tuwid na Daan” ni P-Noy.  Sa paningin ko at ng  mga “Ordinaryong Pilipino” na lumahok din rito, ang “Tuwid na Daan” ni P-Noy ay parang makipot yata at maraming balakid para sa “Ordinaryong Juan dela Cruz” ngunit, parang napakalawak para sa iilan lamang Pilipino at Dayuhang Kapitalista.  Ang walang humpay at di makatuwirang demolisyon sa kalakhang Maynila, ang hindi sapat na pasahod sa mangagawang Pilipino, ang lubos na pag-gamit ng kontraktwalisasyon sa manggagawang Pilipino ng mga uring Kapitalista, ang walang tamang  basehan ng pagtaas ng petrolyo, kuryente, tubig at ng mga pangunahing bilihin, ang pagsasa-pribatisasyon at plano pang pribatisasyon ng ibat-ibang pang sektor ng pamahalaan tulad ng sector  ng pang publikong pagamutan,  at mga iba pang paglabag sa karapatan ng “Ordinaryong Pilipino” na mabuhay ng MAPAYAPA AT WALANG PAGAMBA, MALAYA, MAY DIGNIDAD, MAY PAYAK NA KASAGANAHAN at MAY BOSES PAMPULITIKA ay syang tunay na nagpapaalab sa “Kultura Ng Negatibismo” sa damdamin at kaisipan ng “Ordinaryong Juan dela Cruz.”


Noong araw ring iyon, ang pagpigil ng pulisya sa masang nagproprotesta na makalapit man lamang sa pusod ng Batasan, sa isang napakahalagang pambansang pagtitipon, ay isang pagsikil sa demokrasya at lalong nagpalala sa “Kultura Ng Negatibismo”, na ayon kay P-Noy, sa kanyang nakaraang SONA, ay dapat iwaksi sana ng ibang mamayang Pilipino. Papaano maiibsan ang “Kultura Ng Negatibismo” kung ang karapatan ng masang nagproprotesta na makalapit man lamang sa isang “PUSOD NG DEMOKRASYA” na tinatawag nating Kongreso, upang maparating lamang kay P-Noy at sa iba pang halal ng Bayan na nakatalaga sa ating Kongreso, ng kanilang kalagayan at damdamin, na sa “Tuwid na Daan” sila ay napag-iiwanan at sadlak pa rin sa ibat-ibang uri ng kahirapan.

Ang “Kultura Ng Negatibismo” ay hindi mawawala bagkos lalong mag-aalab kung ang karapatan ng “Ordinaryong Pilipino” na mabuhay ng MAPAYAPA AT WALANG PAGAMBA, MALAYA, MAY DIGNIDAD, MAY PAYAK NA KASAGANAHAN at MAY BOSES PAMPULITIKA ay hindi naiibigay at naiingatan ng liderato ni P-NOY!


Sa “TUWID NA DAAN”
Ordinaryong Pilipino, napag-iiwanan!

Dapat lamang bigyan pansin ito ni P-NOY!!!



Sinulat Ni :
KA LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman,
Political and Human Rights Advocate



Please see related blog:
http://pinoynewsblogger.blogspot.com/
(Article dated August 13, 2012)


Please see related news article:
   
SWS: Gov't rating hits record low 


By Helen Flores (The Philippine Star) Updated July 27, 2012 12:00 AM Comments (19) View comments
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=831665&publicationSubCategoryId=63



Please see related photos below: 

Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG
Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG
Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG