SONA
NG
BAYAN
2012
“Kultura
Ng Negatibismo”
KOMENTARYO
Sa “TUWID NA DAAN”
Ordinaryong Pilipino, napag-iiwanan……
Ka Leon Estrella Peralta was trying to prevent violence from ensuing in the recently concluded SONA ng Bayan 2012
Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG
|
Hindi siguro makakaila kay P-Noy ang napakaraming "ORINARYONG PILIPINO" na lumabas sa
kani-kanilang tahanan at lumahok sa “SONA
NG BAYAN” na ginanap naman sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Ciudad
Quezon noong araw mismo ng kanyang SONA
sa Kongreso. Ang nasabing “SONA Ng Bayan” ay isang pagpapatunay na
maraming “Ordinaryong Juan dela Cruz”
ay hindi na kumbinsido sa “Tuwid na
Daan” ni P-Noy. Sa paningin ko at ng mga “Ordinaryong
Pilipino” na lumahok din rito, ang “Tuwid
na Daan” ni P-Noy ay parang
makipot yata at maraming balakid para sa “Ordinaryong
Juan dela Cruz” ngunit, parang napakalawak para sa iilan lamang Pilipino at
Dayuhang Kapitalista. Ang
walang humpay at di makatuwirang demolisyon sa kalakhang Maynila, ang hindi
sapat na pasahod sa mangagawang Pilipino, ang lubos na pag-gamit ng
kontraktwalisasyon sa manggagawang Pilipino ng mga uring Kapitalista, ang
walang tamang basehan ng pagtaas ng
petrolyo, kuryente, tubig at ng mga pangunahing bilihin, ang pagsasa-pribatisasyon
at plano pang pribatisasyon ng ibat-ibang pang sektor ng pamahalaan tulad ng sector
ng pang publikong pagamutan, at mga iba pang paglabag sa karapatan ng “Ordinaryong
Pilipino” na mabuhay ng MAPAYAPA AT WALANG PAGAMBA, MALAYA, MAY DIGNIDAD, MAY PAYAK NA KASAGANAHAN at MAY BOSES PAMPULITIKA ay syang
tunay na nagpapaalab sa “Kultura Ng Negatibismo” sa damdamin at kaisipan ng
“Ordinaryong Juan dela Cruz.”
Noong araw ring iyon, ang pagpigil ng pulisya
sa masang nagproprotesta na makalapit man lamang sa pusod ng Batasan, sa isang napakahalagang
pambansang pagtitipon, ay isang pagsikil sa demokrasya at lalong nagpalala sa “Kultura Ng Negatibismo”, na ayon kay P-Noy, sa kanyang nakaraang SONA, ay dapat iwaksi sana ng ibang
mamayang Pilipino. Papaano maiibsan ang “Kultura Ng
Negatibismo” kung ang karapatan ng masang nagproprotesta na makalapit man
lamang sa isang “PUSOD NG DEMOKRASYA”
na tinatawag nating Kongreso, upang maparating
lamang kay P-Noy at sa iba pang
halal ng Bayan na nakatalaga sa ating Kongreso,
ng kanilang kalagayan at damdamin, na sa “Tuwid
na Daan” sila ay napag-iiwanan at sadlak pa rin sa ibat-ibang uri ng
kahirapan.
Ang “Kultura
Ng Negatibismo” ay hindi mawawala bagkos lalong mag-aalab kung ang
karapatan ng “Ordinaryong Pilipino” na
mabuhay ng MAPAYAPA AT WALANG PAGAMBA, MALAYA, MAY DIGNIDAD, MAY PAYAK NA KASAGANAHAN at MAY BOSES PAMPULITIKA ay hindi naiibigay at naiingatan ng liderato ni P-NOY!
Sa “TUWID NA DAAN”
Ordinaryong Pilipino, napag-iiwanan!
Dapat lamang bigyan pansin ito ni P-NOY!!!
Sinulat Ni :
KA LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman,
Political and Human Rights Advocate
Please
see related news article:
|
Please see related photos below:
Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG
|
Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG
|
Photo courtesy of ARKIBONGBAYAN.ORG
|
No comments:
Post a Comment