Pagtaas Ng Pamasahe
Sa
LRT-MRT
Tutulan at Labanan!!!
LEON ESTRELLA PERALTA (Founding Chairman) Isang Ordinaryong tao para sa Karapatan ng Ordinaryong Pilipino |
Ang ANTI-TRAPO MOVEMENT of the Philippines ay isang kilusang Makabayan na binuo upang labanan ang KURAPSYON AT PAGLABAG SA KARAPATAN NG ORDINARYONG PILIPINO na Mabuhay ng Matiwasay at Walang Pangamba, Malaya, May Dignidad at Masagana. Hindi po lingid sa ating lahat sa ngayon ang balak ng ating pamahalaan na itaas ang pamasahe sa LRT at MRT sa darating na Enero 2013, na sa aming ginawang pag-aaral tungkol rito, kung ito’y tumpak, ang pamasahe ay tataas ng hangang 30.00 Piso o higit pa para sa mga kabuuang biyahe ng LRT at MRT. Dahil po dito ang mga Ordinaryong Pilipino, tulad ko at tulad ninyo ay nagagamba na naman sa hindi magandang pangyayaring ito!
Tutulan at Labanan ang Pagtaas Ng Pamasahe sa MRT 3! ! !
Ang balak ng pamahalaan sa pagtaas ng pamasahe sa MRT 3 ay upang makalikom ng karagdagang halaga na 2 Bilyong Piso sa loob ng isang taon, na mukhang pambayad lamang sa upa nito. Ang ating pamahalaan ay pumasok sa isang kontrata na ang tawag ay “Build-Lease-Transfer” o sa ibang salita, ang ating pamahalaan ay umuupa lamang sa mga dambuhalang kapitalista na nagmamay-ari nito dati at sa mga dambuhalang kapitalista na nagmamay-ari nito sa kasalukuyan; at dahil sa kontratang ito, ang ating pamahalaan ay binigyan lamang ng karapatan pangasiwaan ang MRT 3. Ang MRT 3 ay magiging pag-aari lamang ng ating pamahalaan pagkatapos ng 25 limang taon magmula ng pumasok ang pamahalaang Fidel V. Ramos sa nasabing kontrata.
Dahil po dito, ang inyong lingkod ay sumanib sa RILES LAAN SA SAMBAYANAN (RILES) Network bilang Co-Convenor upang labanan ang pagtaas ng pamasahe sa MRT 3; dahil hindi yata makatarungan na ang upa sa MRT 3 ay kukunin pa ang karagdagan sa mga Ordinaryong Pilipino na mananakay nito, upang matugunan lamang ng ating pamahalaan ang pangako ng kontrata sa mga Dambuhalang Kapitalista na kakontrata nito.
Tutulan at Labanan din ang pagtaas ng pamasahe sa iba’t-ibang linya ng LRT!!!
Sumali at Lumahok
sa
RILES Network
Upang sama-sama nating maitaguyod ang Karapatan ng Ordinaryong Pilipino na mananakay sa LRT at MRT !!!
Itaas ang antas ng NASYONALISMO SA BAWAT PILIPINO!!! Dahil ang Pilipinas ay para sa lahat ng Pilipino at hindi lamang sa iilang DAMBUHALANG KAPITALISTANG Pilipino at dayuhan, na nagpapayaman lamang galing sa pawis ng Ordinaryong Pilipino, gamit ang pamamaraang PRIBATISASYON o PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP (PPP) sa pamahalaan ni
P-NOY! ! !
Tunghayan po rin ninyo ang mga sumusunod
na may kaugnayan dito:
GNN Talk TV Video
Topic MRT: WELFARE FOR OLIGARCHS
Host Herman Tiu Laurel
Guest/s Sammy Tamayo Malunes
RILES Network, Convenor
Leon Estrella Peralta
ANTI-TRAPO MOVEMENT- Founding Chairman
RILES Network, Co-Convenor
(Part 1)
(Part 2)
(Part 3)
(Part 4)
Diabetic Deal BY HERMAN TIU LAUREL | AUGUST 28, 2012
MRT 3 scam widens
BY HERMAN TIU LAUREL | AUGUST 28, 2012
http://opinyon.com.ph/index.php/columnist/read/mrt-3-scam-widens
Ni LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman
Isang Ordinaryong Tao Para Sa Karapatan
Ng Ordinaryong Pilipino
No comments:
Post a Comment