Opisyal
ng DOTC, muling kinasuhan
sa Ombudsman
By Alex Calda, Radyo Patrol 43 |
06:09 PM 01/16/2013
·
- "Muling kinasuhan ng Anti-Trapo Movement of the Philippines Incorporated sa Ombudsman si Department of Transportation and Communications (DOTC) Undersecretary for Planning Rene Limcaoco dahil sa pagkabigong bitawan ang kanyang shares sa isang kumpanya na may direktang business transaction sa kagawara"
Muling
kinasuhan ng Anti-Trapo Movement of the Philippines Incorporated sa Ombudsman
si Department of Transportation and Communications (DOTC) Undersecretary for
Planning Rene Limcaoco dahil sa pagkabigong bitawan ang kanyang shares sa isang
kumpanya na may direktang business transaction sa kagawaran.
Sa pitong pahinang reklamo na isinampa sa Ombudsman, sinabi ni Ka Leon Estrella Peralta, chairman ng nasabing grupo, hindi nag-divest ng kanyang shares si Usec. Limcaoco ng conglomerate franchising corporation na Rapide Auto Service Experts sa kabila ng kanyang pagkakatalaga sa gobyerno noong Agosto 2011 na isa aniyang paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Nangangamba ang grupo na nagamit ni Usec. Limcaoco ang kanyang posisyon para maisulong ang pansariling business interest lalo pa't lumitaw sa website ng nasabing kumpanya na kabilang sa kanilang kliyente ang Manila International Airport Authority (MIAA) na nasa ilalim ng DOTC, Aboitiz Transport at Airfreight 2100.
Kabilang sa isinumiteng ebidensya ng Anti-Trapo Movement sa Ombudsman ang certified true copies ng General Information Sheet ng parent company na Rapide na Golden Point Auto Care Incorporated mula taong 2009 hanggang 2012 na nagmula sa Securities and Exchange Commission (SEC) na nagsasaad na major stockholder pa rin si Usec. Limcaoco sa nasabing kumpanya.

Please follow this link:
http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Opisyal_ng_DOTC,_muling_kinasuhan_sa_Ombudsman.html
No comments:
Post a Comment