Pahayag ng Pagbati
sa
Ika-13 Taong Anibersaryo
Ng
KADAMAY
(Kalipunan ng Damayang
Mahihirap)
November 7, 2011 UCCP Chapel, EDSA, Quezon City
Sa mga kagalang-galang na namumuno at bumubuo ng KALIPUNAN ng DAMAYANG MAHIHIRAP (KADAMAY),
kay kagalang-galang na Kongresman Ka Paeng Mariano ng ANAKPAWIS Partylist, sa
mga kagalang-galang na mga namumuno ng iba't-ibang kilusan na nandirito ngayon
at sa lahat ng aking mga kapatid sa pakikibaka, MAGANDANG ARAW PO SA INYONG LAHAT!
Sa mga hindi pa po nakakakilala sa akin, ako po si Ka Leon Estrella-Peralta. Ako po ay ang
Founding Chairman ng Anti-Trapo Movement
of the Philippines. Ang kilusan po namin ay binuo upang labanan ang
korupsyon at maruming elemento ng lipunan.
Maraming salamat po at ang inyong lingkod ay
naanyayahan ninyo sa isang mahalagang pagtitipon ng KADAMAY, ang Ika-13 taong Anibersaryo ng inyong kilusan. Ang hatid ko po
sa inyo ngayon ay taos-pusong pagbati sa inyong anibersaryo galing po
sa Anti-Trapo Movement.of the Philippines.
Sa aking mga kapatid sa pakikibaka, kahit hindi ko po itanong sa
inyo ay kitang-kita ko po sa inyong mga mata ang pagdaranas ng
matinding kahirapan. At kitang-kita ko rin sa inyong mga mata na sawang sawa na
kayo sa kahirapan. Kung ako po ang inyong tatanungin, ako po ay sawang-sawa na rin
tulad ninyo!
Dito po sa ating bansa, lalong lalo na sa kamaynilaan, ang
kahirapan ay napakaraming anyo, tulad po ng:
- kahirapan dulot ng walang humpay na demolisyon;
- kahirapan dulot ng kakulangan sa trabaho at hanapbuhay;
- kahirapan dulot ng kakulangan sa murang pabahay;
- kahirapan dulot ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng krudo, Kuryente at mga pangunahing bilihin, atbp;
- kahirapan dulot ng pagkakasakit at kakulangan ng tulong medikal galing sa ating pamahalaan
- kahirapan dulot ng kurapsyon at maruming elemento ng lipunan.
At marami pa pong anyo ng kahirapan na kung babanggitin ko po
lahat ay maaring maubos ang buong maghapon natin at tayo rin ay maaaring
mapanghihinaan na ng loob.
Sa mga kapatid ko sa pakikibaka, may lunas pa ba ang
lahat ng anyo ng kahirapan dito sa ating bayan, lalo na sa kamaynilaan? Kung
ako po ang inyong tatanungin, ang sagot ko po ay, MAYROON!!!
Mayroong lunas pa ang mga ito kung tayo ay
magbubuklod-buklod at magsasama-sama sa isang adhikain upang labanan at bigyang
lunas ang iba't-ibang anyo ng kahirapan dito sa ating bayan, lalong-lalo na sa
kamaynilaan tulad po ng inyong kilusang KADAMAY.
Mabuhay po kayong lahat! Asahan po ninyo ang masidhing pakikiisa
at suporta ng aming kilusan.
IPAGPATULOY NATING
LAHAT ANG PAKIKIBAKA LABAN SA KAHIRAPAN!
ITAGUYOD ANG KATARUNGANG PANLIPUNAN!
KA LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman
Founding Chairman
Anti-Trapo Movement of the Philippines, Inc.
Political and Human Rights Advocate
Political and Human Rights Advocate
Ka Leon Estrella Peralta
Kadamay National Vice-Chair Carlito Badion
Kadamay Tagapangulo Ka Leleng Zarzuela
Anakpawis Rep. Rafael "Ka Paeng" Mariano
Kadamay National Secretary General Ka Bea Arellano