Pahayag Ng Pakikiisa Sa Bagong Tatag Na
URBAN POOR RESOURCE CENTER
OF THE PHILIPPINES
(UPRCP)
Sa mga bumubuo ng bagong tatag
na URBAN POOR Resource Center of the Philippines
(UPRCP), at sa aming mga kapatid sa pakikibaka, kami po
sa Anti-Trapo Movement of the Philippines ay nagpapahayag ng
isang masidhing pakikiisa at suporta sa inyong adhikain. Sa ating bayan, lalong
lalo na sa kamaynilaan, napakahalaga po ang pagbuklod-buklod ng mga maralitang
lungsod upang maitaguyod ninyo ang karapatang
Hustisyang Panlipunan at tulungan ang bawat kasapi nito na makamit ang Hustisyang Panlipunan , tulad po ng adhikain ng inyong
bagong tatag na samahan. Hindi na po lihim sa ating lahat ang dinaranas nating
kahirapan dito sa ating bayan, lalong lalo na sa kamaynilaan. Ngunit, ito ba ay
kaya pang lunasan? ITO PO AY KAYANG LUNASAN kung tayo ay magbubuklod-buklod at
magsasama-sama sa ating adhikain upang labanan at bigyang lunas ang iba't-ibang
anyo ng kahirapan tulad po ng adhikain ng inyong bagong tatag na kilusan.
MABUHAY PO KAYONG LAHAT! KASAMA PO NINYO
KAMI SA PAKIKIBAKA LABAN SA IBA'T-IBANG ANYO NG KAHIRAPAN DITO SA
ATING BAYAN! MABUHAY ANG HUSTISYANG PANLIPUNAN !
Leon Estrella Peralta,
Founding Chairman
Political and Human Rights Advocate
Related Photos:
Related Photos:
KMU Chair Elmer "Bong" Labog and
Founding Chairman Ka Leon Estrella Peralta
Father Charlie Ricafort
KADAMAY Vice Chair Carlito Badion
and Founding Chairman Ka Leon Estrella Peralta
Anakpawis Rep. Rafael V. Mariano
UPRCP Jon Vincent Marin and Exec. Dir. Luis D. Clarin
with Ka Leon Estrella Peralta and Anakpawis Rep. Rafael Mariano
Ka Leon Estrella Peralta and Rep. Rafael Mariano
Kadamay National Vice-Chair Carlito "Karletz" Badion,
Ka Leon Estrella Peralta with Kadamay member
No comments:
Post a Comment