Monday, November 14, 2011

Pahayag ng Pagbati sa Ikalabing-tatlong Anibersaryo ng KADAMAY

Pahayag ng Pagbati
 sa

Ika-13 Taong Anibersaryo

 Ng

 KADAMAY
(Kalipunan ng Damayang Mahihirap)

November 7, 2011 UCCP Chapel, EDSA, Quezon City



Sa mga kagalang-galang na namumuno at bumubuo ng KALIPUNAN ng DAMAYANG MAHIHIRAP (KADAMAY), kay kagalang-galang na Kongresman Ka Paeng Mariano ng ANAKPAWIS Partylist, sa mga kagalang-galang na mga namumuno ng iba't-ibang kilusan na nandirito ngayon at sa lahat ng aking mga kapatid sa pakikibaka, MAGANDANG ARAW PO SA INYONG LAHAT!

Sa mga hindi pa po nakakakilala sa akin, ako po si Ka Leon Estrella-Peralta. Ako po ay ang Founding Chairman ng Anti-Trapo Movement of the Philippines. Ang kilusan po namin ay binuo upang labanan ang korupsyon at maruming elemento ng lipunan.

Maraming salamat po at ang inyong lingkod ay naanyayahan ninyo sa isang mahalagang pagtitipon ng KADAMAY, ang Ika-13 taong Anibersaryo ng inyong kilusan. Ang hatid ko po sa inyo ngayon ay taos-pusong pagbati sa inyong anibersaryo galing po sa Anti-Trapo Movement.of the Philippines.


Sa aking mga kapatid sa pakikibaka, kahit hindi ko po itanong sa inyo ay kitang-kita ko po sa inyong mga mata ang pagdaranas ng matinding kahirapan. At kitang-kita ko rin sa inyong mga mata na sawang sawa na kayo sa kahirapan. Kung ako po ang inyong tatanungin, ako po ay sawang-sawa na rin tulad ninyo! 

Dito po sa ating bansa, lalong lalo na sa kamaynilaan, ang kahirapan ay napakaraming anyo, tulad po ng: 
  • kahirapan dulot ng walang humpay na demolisyon;
  • kahirapan dulot ng kakulangan sa trabaho at hanapbuhay;
  • kahirapan dulot ng kakulangan sa murang pabahay;
  • kahirapan dulot ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng krudo, Kuryente at mga pangunahing bilihin, atbp;
  • kahirapan dulot ng pagkakasakit at kakulangan ng tulong medikal galing sa ating pamahalaan
  • kahirapan dulot ng kurapsyon at maruming elemento ng lipunan.

At marami pa pong anyo ng kahirapan na kung babanggitin ko po lahat ay maaring maubos ang buong maghapon natin at tayo rin ay maaaring mapanghihinaan na ng loob.

Sa mga kapatid ko sa pakikibaka, may lunas pa ba ang lahat ng anyo ng kahirapan dito sa ating bayan, lalo na sa kamaynilaan? Kung ako po ang inyong tatanungin, ang sagot ko po ay, MAYROON!!!

Mayroong lunas pa ang mga ito kung tayo ay magbubuklod-buklod at magsasama-sama sa isang adhikain upang labanan at bigyang lunas ang iba't-ibang anyo ng kahirapan dito sa ating bayan, lalong-lalo na sa kamaynilaan tulad po ng inyong kilusang KADAMAY

Mabuhay po kayong lahat! Asahan po ninyo ang masidhing pakikiisa at suporta ng aming kilusan.

IPAGPATULOY NATING LAHAT ANG PAKIKIBAKA LABAN SA KAHIRAPAN!

 ITAGUYOD ANG KATARUNGANG PANLIPUNAN!


KA LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman
Anti-Trapo Movement of the Philippines, Inc.
Political and Human Rights Advocate



 



Ka Leon Estrella Peralta



Kadamay National Vice-Chair Carlito Badion



Kadamay Tagapangulo Ka Leleng Zarzuela






Anakpawis Rep. Rafael "Ka Paeng" Mariano




Kadamay National Secretary General Ka Bea Arellano

No comments:

Post a Comment