Paggunita
Sa
ARAW
NG KAGITINGAN
(Ika-26 Agosto
2012)
Kilusang Makabayan...
Kahapon...
Ngayon... at Bukas
MENSAHE
|
Leon Estrella Peralta at Ka Nitz (Vice-Chair KMU-Women's Affairs) sa isang pagkilos sa Mendiola |
NASYONALISMO
ang nagtulak sa ating mga BAYANI noon
upang bumuo ng Kilusang Makabayan, para isulong ang himagsikan laban sa
Kolonistang Kastila at Imperyalistang Amerikano upang makamit natin ang
kalayaan ng ating bansa. Nasyonalismo
rin ang nagtulak sa mga Pilipino upang bumuo ulit ng Kilusang Makabayan para
labanan ang pananakop ng Pasistang Hapones sa ating bayan. Nasyonalismo ng mga Kilusang Makabayan na ito
ang tutuong nagligtas sa ating bayan sa mga manlulupig na ito, na ang hangad
lamang sa ating bayan ay ang ating likas na kayamanan.
Ngunit,
tunay ba ang nakamit nating Kalayaan o Independensya sa mga Amerikano noong
Hulyo 4, 1946? Tunay lamang ito sa
pagpapatakbo ng ating pamahalaan ngunit ang ating pambansang ekonomiya ay
nanatili ang kanilang kontrol sa sistemang “FREE TRADE” ng mga Amerikano. Iniluluwas natin ang ating hilaw na
materyales sa mababang halaga at inaangkat natin ang mga yaring produkto sa
mataas na halaga. Napaka-agrabiado natin
sa kalakalan ng tulad nito.
Magmula
noon hangang ngayon, ang ating Pambansang Ekonomiya ay hindi nakawala sa
ganitong uri ng kontrol, hindi lamang noon sa kamay ng mga Amerikano kungdi,
kasama na rin ang iba pang “Kapitalistang mga bansa ngayon sa pagtulak nila at
paglunok natin sa patakarang “GLOBALISASYON” na pinaiiral ang “FREE MARKET” at “FREE
TRADE.” Ang mga kapitalistang bansa sa
pamamagitan ng kanilang “Lending Institusyon” ay mariing nagdikta sa mga
bansang umuutang tulad ng Pilipinas na magbawas ng kanyang gastos, tulad ng
pag-alis sa subsidiya; pribatisasyon ng mga industriya at serbisyo na pag-aari ng
ating
gobierno; pag-alis ng pag-hihigpit sa pag-angkat at pagluluwas ng produkto; deregulation
ng ating ekonomiya; at pagsulong ng Dayuhang Pamumuhunan at pagwalang halaga sa
ating Piso upang palakasin ang pagluluwas at pahinain ang pag-aangkat ng
produkto. Ang mga diktang ito ang kumitil sa sektor ng lokal na pagmamanupaktura; nagpataas ng presyo ng elektrisidad, ng gasolina, ng tubig, ng mga pangunahing bilihin at ang mga ito rin ang nakikitang dahilan ng iba't-ibang anyo ng kahirapan dito sa ating bayan.
Naging
malinaw na ngayon na ang lahat na nabanggit na mga dikta sa atin ay naisabatas
na o naging patakaran na rito sa ating bayan, gawa ng mga politikong ating
niluklok sa kapangyarihan na akala natin ay makabayan. Ngunit noong sila ay
tinimbang ng taumbayan parang kulang yata sila ng nasyonalismo o matindi yata
ang naging paniniwala nila o nilamon na sila ng patakarang NEO-LIBERALISM.
Ngayon
higit natin kailangan ang mga Kilusang Makabayan na mag buklod-buklod upang
isulong at itaguyod ang Pambansang Ekonomiya na dapat sana’y lumaya rin kasabay
ng paglaya ng ating bayan noong Hulyo 4, 1946 sa kamay ng mga Amerikano.
Kumilos
tayo! Mga “Makabayan” tulad ng pagkilos ng ating mga BAYANI noon dahil nasa
kamay natin ngayon ang kinabukasan ng ating KABATAAN AT INANG BAYAN!
KUMILOS
TAYO! UPANG MATAMO NATIN ANG TUNAY NA KALAYAAN, KALAYAAN HINDI LAMANG SA PAMAMAHALA
NG ATING GOBIYERNO, KUNDI KALAYAAN DIN NG ATING PAMBANSANG EKONOMIYA SA DIKTA
NG MGA MAYAYAMANG KAPITALISTANG BANSA!
ISULONG
ANG NASYONALISMO SA LAHAT NG ANTAS NG ATING PAMAHALAAN! HUWAG TAYONG MAG-ATUBILI
MAGSIMULA NG BAGONG PAGKILOS UPANG ISULONG ITO SA ATING BAYAN, DAHIL MASAMANG
PABAYAAN ANG KINABUKASAN SAPAGKAT YAN AY NAKALAAN SA KABATAANG PILIPINO!
_________________________________________
Para
sa bayan:
Leon Estrella Peralta
Founding
Chairman
Political
and Human Rights Advocate