Wednesday, October 31, 2012

PROTEST AND PRESS RELEASE STOP MRT/LRT FARE HIKE










24 Oras: Ilang grupong tutol sa planong pagtataas ng pasahe sa MRT, 

nagprotesta sa DOTC




PROTEST AND PRESS RELEASE
  
“We’ll bring the battle back to the streets.”
Thus said Riles Laan sa Sambayanan (RILES Network) Convenor Sammy Malunes as the group protested the resurrection of the plan to raise fares of the busiest metro railway line in the country. The RILES Network has actively campaigned for the junking of any increase in fares since 2010, citing the welfare of the riding public and the responsibility of the government to provide affordable mass transportation.

“The government suspended its implementation of the fare hike only temporarily and just waited for protests to subside. But the students, workers and the public who are dependent on the MRT for affordable transportation will not waiver from protesting as the government resurrects its evil plans,” Malunes said.

Malunes added that existing economic indicators show that Filipinos will not be able to afford any further increase in daily expenditures for transportation. “Hunger incidence and joblessness in the country remain highest in the Southeast Asian region. Prices are skyrocketing while the wages of workers plummet to all time lows.”
The RILES Network also expressed alarm over the entry of controversial business tycoon Manny Pangilinan (MVP) into the transportation service sector.

RILES co-convenor Herman “Mentong” Laurel said, “The MRT fare hike revival is in line with the government’s plan to completely give up the control over the metro rail system to Metro Pacific Investement Corporation and Ayala Corp. The public should be wary of the irregularities in the board meetings of the MRTC where MVP’s group virtually dictated decisions on the all aspects of MRTC’s  operations. Is MVP in control of the DOTC now?”
Meanwhile, the Founding Chairman of Anti-Trapo Movement, Leon Estrella Peralta also warned of the connivance between Pres. Aquino and MVP in the implementation of Public-Private Partnership projects, claiming it is detrimental to the interest of the riding public.

“Providing basic social services should be the business of the government and must be kept away from businessmen whose sole interest is to rake in as much profits from the people’s pockets as they possibly can. We pay our taxes and, in return, the government must do its duty to provide for its people,” Peralta added.

The RILES Network called on all patriotic Filipinos to join the fight against fare increases and the privatization of the country’s railway system. It called on students, workers and professionals to launch activities, signature campaigns and protest actions in all forms to fight privatization and assert that it is the government’s responsibility to provide affordable public transport. 



Published by:  LEON ESTRELLA PERALTA 
    Founding Chairman, ANTI-TRAPO Movement of the Philippines
                         Political and Human Rights Advocate
   Isang Ordinaryong Tao Para Sa KARAPATAN Ng Ordinaryong Pilipino



Please see related photos


In this Photo RILES Network convenors
SAMMY MALUNES, LEON ESTRELLA PERALTA
and HERMAN TIU LAUREL













Thursday, September 27, 2012

PAGTAAS NG PAMASAHE SA LRT at MRT TUTULAN at LABANAN !!!



Pagtaas Ng Pamasahe
Sa
LRT-MRT

Tutulan at Labanan!!!



LEON ESTRELLA PERALTA
(Founding Chairman)
Isang Ordinaryong tao para sa Karapatan
ng Ordinaryong Pilipino
Mensahe:
Ang ANTI-TRAPO MOVEMENT of the Philippines ay isang kilusang Makabayan na binuo upang labanan ang KURAPSYON AT PAGLABAG SA KARAPATAN NG ORDINARYONG PILIPINO na Mabuhay ng Matiwasay at Walang Pangamba, Malaya, May Dignidad at Masagana.  Hindi po lingid sa ating lahat sa ngayon ang  balak ng ating pamahalaan na itaas ang pamasahe sa LRT at MRT sa darating na Enero 2013, na sa aming ginawang pag-aaral tungkol rito, kung ito’y tumpak, ang pamasahe ay tataas ng hangang 30.00 Piso o higit pa para sa mga kabuuang biyahe ng LRT at MRT.  Dahil po dito ang mga Ordinaryong Pilipino, tulad ko at tulad ninyo ay nagagamba na naman sa hindi magandang pangyayaring ito!


Tutulan at Labanan ang Pagtaas Ng Pamasahe sa MRT 3! ! !
Ang balak ng pamahalaan sa pagtaas ng pamasahe sa MRT 3 ay upang makalikom ng karagdagang halaga na 2 Bilyong Piso sa loob ng isang taon, na mukhang pambayad lamang sa upa nito.  Ang ating pamahalaan ay pumasok sa isang kontrata na ang tawag ay “Build-Lease-Transfer” o sa ibang salita, ang ating pamahalaan ay umuupa lamang sa mga dambuhalang kapitalista na nagmamay-ari nito dati at sa mga dambuhalang kapitalista na nagmamay-ari nito sa kasalukuyan;  at dahil sa kontratang ito, ang ating pamahalaan ay binigyan lamang ng karapatan pangasiwaan ang MRT 3.  Ang MRT 3 ay magiging pag-aari lamang ng ating pamahalaan pagkatapos ng 25 limang taon magmula ng pumasok ang pamahalaang Fidel V. Ramos sa nasabing kontrata. 

Dahil po dito, ang inyong lingkod ay sumanib sa RILES LAAN SA SAMBAYANAN (RILES) Network bilang Co-Convenor upang labanan ang pagtaas ng pamasahe sa MRT 3; dahil hindi yata makatarungan na ang upa sa MRT 3 ay kukunin pa ang karagdagan sa mga Ordinaryong Pilipino na mananakay nito, upang matugunan lamang ng ating pamahalaan ang pangako ng kontrata sa mga Dambuhalang Kapitalista na kakontrata nito.


Tutulan at Labanan din ang pagtaas ng pamasahe sa iba’t-ibang linya ng LRT!!!


Sumali at Lumahok
sa

RILES Network
Upang sama-sama nating maitaguyod ang Karapatan ng Ordinaryong Pilipino na mananakay sa LRT at MRT !!!


Itaas ang antas ng NASYONALISMO SA BAWAT PILIPINO!!!  Dahil ang Pilipinas ay para sa lahat ng Pilipino at hindi lamang sa iilang DAMBUHALANG KAPITALISTANG Pilipino at dayuhan, na nagpapayaman lamang galing sa pawis ng Ordinaryong Pilipino, gamit ang pamamaraang PRIBATISASYON o PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP (PPP) sa pamahalaan ni
P-NOY! ! !


Tunghayan po rin ninyo ang mga sumusunod
 na may kaugnayan dito:
  
GNN Talk TV Video
Topic   MRT: WELFARE FOR OLIGARCHS
Host Herman Tiu Laurel

Guest/s     Sammy Tamayo Malunes
                    RILES Network, Convenor

                   Leon Estrella Peralta
          ANTI-TRAPO MOVEMENT- Founding Chairman
                   RILES Network, Co-Convenor

(Part 1)



(Part 2)


(Part 3)


(Part 4)




Riles Laan sa Sambayanan (RILES) Network

https://www.facebook.com/sammy.malunes1)





OPINYON Newspaper
Diabetic Deal BY HERMAN TIU LAUREL | AUGUST 28, 2012

 


 OPINYON Newspaper

MRT 3 scam widens 

BY HERMAN TIU LAUREL | AUGUST 28, 2012

http://opinyon.com.ph/index.php/columnist/read/mrt-3-scam-widens





  Ni  LEON ESTRELLA PERALTA
               Founding Chairman
     Isang Ordinaryong Tao Para Sa Karapatan
          Ng Ordinaryong Pilipino



Sunday, September 16, 2012

Paghayag ng Pagsuporta Kay Rep. Teddy Casiño

Pahayag
Ng
Pagsuporta
                               
Kay
REP. TEDDY A. CASIÑO

Leon Estrella Peralta with Rep. Teddy Casiño
 at Saturday Forum at Annabels Restaurant Quezon City September 15, 2012


Panahon na para sa
MAKABAYANG PAGBABAGO ayon sa MAKABAYAN Coalition!

Ito rin ang masidhing sinusulong ng ANTI-TRAPO MOVEMENT of the Philippines at sa aming pananaw, ito ang tunay na adhikain at sinisimbolo ni REP. TEDDY A. CASIÑO!

          Nasa likod mo kami sa inyong adhikaing pang POLITIKAL!

      Ipaglaban natin ang KARAPATAN NG ORDINARYONG PILIPINO na Mabuhay ng MATIWASAY AT WALANG PANGAMBA, MALAYA, MAY DIGNIDAD AT MASAGANA!


 
Para sa ANTI-TRAPO MOVEMENT:
LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman
Political and Human Rights Advocate


Paki tunghayan rin po:   www.makabayan.net
                                          myteddycasino.com



 
Tunghayan po rin ninyo ang mga iba pang larawan
 kuha sa Saturday Forum at Annabel's Kapihan
September 15, 2012









Thursday, September 13, 2012

Pahayag Ng Pakikiisa At Suporta Para Sa MGA GURO NG BAYAN



PAHAYAG
NG
PAKIKIISA AT SUPORTA
PARA SA
MGA GURO NG BAYAN

Ang ANTI-TRAPO MOVEMENT of the Philippines ay nakikiisa at sumusuporta para maisabatas na ang HOUSE BILL 2142 upang maitaas ang sahod ng mga GURO NG BAYAN, na maituturing din natin na isa sa mga “BAYANI” ng Ordinaryong Pilipino!

UPGRADE TEACHERS’ 
 SALARIES NOW! 

Isabatas Ang
HOUSE BILL 2142



 By   LEON ESTRELLA PERALTA-Founding Chairman
        “Isang Ordinaryong Tao Para Sa Karapatan
         Ng Ordinaryong Pilipino” 








Wednesday, August 29, 2012

INTERNATIONAL DAY OF THE DISAPPEARED (30 August 2012)




  INTERNATIONAL DAY
OF THE DISAPPEARED

(30 August 2012)






We condemn enforced disappearance(s)
 In the Philippines and throughout the world!


We uphold the right to
 “LIFE”
 and
“LIBERTY”
above all things!!


Panagutin natin ang may mga gawa nito!



E-mail us:
antitrapomovement@yahoo.com





For ANTI-TRAPO MOVEMENT of the Philippines:

LEON ESTRELLA PERALTA
Founding Chairman
Political and Human Rights Activist

Monday, August 27, 2012

Paggunita Sa Araw Ng Kagitingan sa Pilipinas, Ika-26 Agosto 2012


Paggunita
Sa
ARAW NG KAGITINGAN
(Ika-26 Agosto 2012)


Kilusang Makabayan...
 Kahapon... Ngayon... at Bukas

MENSAHE


Leon Estrella Peralta at Ka Nitz (Vice-Chair KMU-Women's Affairssa isang pagkilos sa Mendiola



NASYONALISMO ang nagtulak sa ating mga BAYANI noon upang bumuo ng Kilusang Makabayan, para isulong ang himagsikan laban sa Kolonistang Kastila at Imperyalistang Amerikano upang makamit natin ang kalayaan ng ating bansa.  Nasyonalismo rin ang nagtulak sa mga Pilipino upang bumuo ulit ng Kilusang Makabayan para labanan ang pananakop ng Pasistang Hapones sa ating bayan.  Nasyonalismo ng mga Kilusang Makabayan na ito ang tutuong nagligtas sa ating bayan sa mga manlulupig na ito, na ang hangad lamang sa ating bayan ay ang ating likas na kayamanan.

Ngunit, tunay ba ang nakamit nating Kalayaan o Independensya sa mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946?  Tunay lamang ito sa pagpapatakbo ng ating pamahalaan ngunit ang ating pambansang ekonomiya ay nanatili ang kanilang kontrol sa sistemang “FREE TRADE” ng mga Amerikano.  Iniluluwas natin ang ating hilaw na materyales sa mababang halaga at inaangkat natin ang mga yaring produkto sa mataas na halaga.  Napaka-agrabiado natin sa kalakalan ng tulad nito.

Magmula noon hangang ngayon, ang ating Pambansang Ekonomiya ay hindi nakawala sa ganitong uri ng kontrol, hindi lamang noon sa kamay ng mga Amerikano kungdi, kasama na rin ang iba pang “Kapitalistang mga bansa ngayon sa pagtulak nila at paglunok natin sa patakarang “GLOBALISASYON” na pinaiiral ang “FREE MARKET” at “FREE TRADE.”  Ang mga kapitalistang bansa sa pamamagitan ng kanilang “Lending Institusyon” ay mariing nagdikta sa mga bansang umuutang tulad ng Pilipinas na magbawas ng kanyang gastos, tulad ng pag-alis sa subsidiya; pribatisasyon ng mga industriya at serbisyo na pag-aari ng
ating gobierno; pag-alis ng pag-hihigpit sa pag-angkat at pagluluwas ng produkto; deregulation ng ating ekonomiya; at pagsulong ng Dayuhang Pamumuhunan at pagwalang halaga sa ating Piso upang palakasin ang pagluluwas at pahinain ang pag-aangkat ng produkto. Ang mga diktang ito ang kumitil sa sektor ng lokal na pagmamanupaktura; nagpataas ng presyo ng elektrisidad, ng gasolina, ng tubig, ng mga pangunahing bilihin at ang mga ito rin ang nakikitang dahilan ng iba't-ibang anyo ng kahirapan dito sa ating bayan.
  
Naging malinaw na ngayon na ang lahat na nabanggit na mga dikta sa atin ay naisabatas na o naging patakaran na rito sa ating bayan, gawa ng mga politikong ating niluklok sa kapangyarihan na akala natin ay makabayan. Ngunit noong sila ay tinimbang ng taumbayan parang kulang yata sila ng nasyonalismo o matindi yata ang naging paniniwala nila o nilamon na sila ng patakarang NEO-LIBERALISM. 

Ngayon higit natin kailangan ang mga Kilusang Makabayan na mag buklod-buklod upang isulong at itaguyod ang Pambansang Ekonomiya na dapat sana’y lumaya rin kasabay ng paglaya ng ating bayan noong Hulyo 4, 1946 sa kamay ng mga Amerikano.

Kumilos tayo! Mga “Makabayan” tulad ng pagkilos ng ating mga BAYANI noon dahil nasa kamay natin ngayon ang kinabukasan ng ating KABATAAN AT INANG BAYAN!

KUMILOS TAYO! UPANG MATAMO NATIN ANG TUNAY NA KALAYAAN, KALAYAAN HINDI LAMANG SA PAMAMAHALA NG ATING GOBIYERNO, KUNDI KALAYAAN DIN NG ATING PAMBANSANG EKONOMIYA SA DIKTA NG MGA MAYAYAMANG KAPITALISTANG BANSA!

ISULONG ANG NASYONALISMO SA LAHAT NG ANTAS NG ATING PAMAHALAAN! HUWAG TAYONG MAG-ATUBILI MAGSIMULA NG BAGONG PAGKILOS UPANG ISULONG ITO SA ATING BAYAN, DAHIL MASAMANG PABAYAAN ANG KINABUKASAN SAPAGKAT YAN AY NAKALAAN SA KABATAANG PILIPINO!



_________________________________________

Para sa bayan:

Leon Estrella Peralta
Founding Chairman
Political and Human Rights Advocate



Friday, August 24, 2012

PAHAYAG NG PAKIKIISA AT PAGHANGA Kay Chief Justice Reynato S. Puno


CHIEF JUSTICE REYNATO S. PUNO

DIALOGUE SERIES ON ECONOMIC JUSTICE

UP Bahay ng Alumni, Diliman, Quezon City
August 24, 2012, 8:00AM to 12:00NN

of

Kilusang Makabansang Ekonomiya




PAHAYAG NG PAKIKIISA
 AT
PAGHANGA



LEON ESTRELLA PERALTA with Chief Justice REYNATO S. PUNO
UP Bahay ng Alumni, Diliman, Quezon City, August 24, 2012,

ANG aking PANINIWALA AT PANININDIGAN na maisulong at maitaguyod ang karapatan ng Ordinaryong Pilipino upang MABUHAY NG MATIWASAY AT WALANG PANGAMBA, MALAYA, MAY DIGNIDAD AT MASAGANA ay lalong napaigting ni CHIEF JUSTICE REYNATO S. PUNO sa pagtalakay niya tungkol sa HUSTISYANG PANG-EKONOMIYA.

Ako ay naluha at humanga sa nakita kong pagmamahal niya sa Ordinaryong Pilipino; lalong-lalo na sa narinig ko, ang kanyang mga adhikain upang maitaguyod at maisulong ang HUSTISYANG PANG-KABUHAYAN sa ikakabuti ng kabuuang kalagayan ng bawat Ordinaryong Pilipino.



MABUHAY PO KAYO CHIEF JUSTICE
 REYNATO S. PUNO!


Kailangan kayo ng
Ordinaryong Pilipino at ng Bayan!


Kami po ay nakikiisa sa inyo at sa KME sa inyong masidhing hangarin!



Para sa ANTI-TRAPO MOVEMENT
of the Philippines

Leon Estrella Peralta
Founding Chairman
Political & Human Rights Advocate


Tunghayan po rin ninyo ang aking komentaryo 
na may kaugnayan dito:



Tunghayan po rin ninyo ang mga larawan
 na may kaugnayan dito:
  


Chief Justice Reynato S. Puno while delivering his speech 





KME National President, Jaime R. Regalario




Atty. Lorna Kapunan and Mr. Nick Elman-Moderators
on Question and Answer portion





Leon Estrella Peralta while asking question to
Chief Justice Puno during Press Conference


Leon Estrella Peralta with Sister Mara


Leon Estrella Peralta with Bishop Antonio Tobias